Sabado, Setyembre 17, 2011

I wanna be what I wanna be.

credits to zym villanueva for this photo



My name is Dee. A dent student at Centro Escolar University. I'm proud to say that I'm now a proper student because I've waited years for this.
Four years more till I become a dentist, perhaps...

Now I'll speak...

Nung bata ako gusto 'ko maging astronaut, maglakad sa buwan, tumalon talon at madama ang kasiyahan ng mga dati ng nakapunta dito..

Minsan ko ring naisip na maging Journalist at News Anchor sa T.V, adventure, parang ang saya nung feeling na asa harap ka ng camera para ipahayag sa tao ang mga totoong nangyayari sa mundo..

Teacher, tinitingala ko noon ang teacher 'ko nung Grade 2, napakabait nya at napakaamo ng kanyang ngiti.. Naalala ko pa nun sabi ko sa nanay ko, "Hindi po ako naghuhgas after humawak ng chalk kasi si teacher di naman po nag huhugas e.."Sumagot naman ang teacher ko na naghuhugas daw sya, hindi lang namin nakikita.. hmm.. Kahit sa mga simpleng bagay, una tayong natututo, kung hindi sa ating mga magulang, ay sa ating mga pangalawang nanay at tatay sa paaralan.. Ang mga guro ay nagsisilbing inspirasyon ng mga batang katulad ko..

SK Chairman, idol ko nun si Kuya Melvyn, kaya sabi ko paglaki ko, gagayahin ko sya.. Ngunit wala..Lawyer, sabi ni papa sakin nun, "Diane, mag abogado ka na lang!"Sagot ko naman sa kanya, "bakit naman? E ang hirap hirap kaya nun..""E kasi, sa lahat may rason ka, kita mo na yan.."Tawa na lang ako.. pero masaya yun kung iisipin.. Gaya na lamang ni Lolo Felix, the best!

Benta din yung Nursing nun.. Mag nurse ka kaya Diane?
Ayoko.. takot ako sa dugo..

Nakita ko yun banner.. Accountancy.. wala.. Wala akong alam sa MATH.

.SCQ, "Sigurado pag ako sumali dyan, sasabihin nila, tanggap ka na iha!"
Sus, yabang ko nung bata pa ako. lol. porke hilig 'kong paiyakin sarili ko..

Model, hindi. Mataba ako nun.

Beauty Queen, hindi, takot ako sa tao. Takot ako husgahan, takot ako sa hindi ko kilala..

Pambansang Iskolar, pinangarap ko mag U.P... Pero hindi nangyari.. Inisip ko na lang, will yun ni God..

Writer, Mass Comm. Grad.. Sabi ni tin "Magwriter ka na lang kaya? Para one day pagpunta ko ng bookstore at pagnakita ko libro mo.. Sasabihin 'ko, ui! Libro to ni yhan.." Oo, pinangarap ko rin 'to.. kaso takot ako sa kritisismo.. takot sa rejection. Tanong ko pa nga sa sarili ko, "ipapublish ko ba 'tong blog na 'to?"

Ngunit sa lahat ng 'to isa lang ang tumimbang ng higit..

Maging Dentista, ang saya siguro nun..Makakapag higanti na ako.. pero joke lang. :)Andami 'kong pangarap.. Pero ang gusto ko talaga sa lahat ay..

"to live up to the expectations of the people around me.."
Maraming tao ang naghihintay sa kung anong mararating mo sa buhay..Ako gusto ko maging DENTISTA.
 Anu man ang pangarap mo, isa lang ang masasabi ko.. pagbutihan mo, sapagkat, iyan na marahil ang pinakamalaking regalo na maibibigay mo sa sarili mo..

Mangarap ka, at abutin mo ang iyong nais.. :)
7.57pm
5.1.11.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento