alas onse ng gabi, nagbukas ng blog
h
biglang pumasok sa utak mga salita
mga talata, mga ideya, mga parirala.
alas onse ng gabi, namimiss kita.
pilit iniisip ano marahil ang araw kung nariyan ka.
kung sa pagising may pag asang masulyapan ka.
alas onse ng gabi, patuloy na nagrerefresh ng inbox.
nagbabaka sakali baka may bagong mensahe.
mensaheng makakapagpatulog sa isip na ayaw magpahinga.
alas onse ng gabi, tila nangungulila.
sa isang ngiti, sa isang larawan.
sa isang tunog ng cellphone, sa isang boses na tila ketagal ng di narinig.
alas onse ng gabi, nagtatanong.
nagaalala, nagtataka.
ano na mga ba ang meron?
alas onse ng gabi, namimiss kita.
at patuloy akong magsusulat
nagbabakasakali na sa isang segundo, nariyan na.
alas onse ng gabi, namimiss kita.
kumusta kaya ang araw mo?
kumusta kaya ang trabaho mo?
alas onse ng gabi, namimiss kita.
alam kong namimiss mo rin ako
kunwari ka pa.
alas onse ng gabi, at malapit na mag 12.
pero lilipas na naman ang araw at hindi kita kausap.
baka sakali bukas pagising, may green na tuldok.
alas onse ng gabi, magpapalit araw na.
pinapanalangin pagising ko, may good morning na.
o kahit siguro good night.
alas onse ng gabi, dumating na si pinsan.
hahawiin ang nangingilid na luha.
at tatapusin ang tula.
04.03.18
11:32pm
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento